Thursday, September 27, 2012

Pahirapan :)

Dahil gusto ko pahirapan ang magbabasa nito, lilikhain ko siya sa wikang tagalog =)

Paunawa: hindi ito pahiwatig ng pakikipaghiwalay kundi, isang rant lamang sa nararamdaman at nangyayari sa akin ngayon.

Sa mga nakaraang linggo na ito, di ka-nais-nais ang pakiramdam ko sa buong sitwasyong nakalahad sa harapan ko hinggil sa pag-ibig. Hindi ko maunawaan kung bakit malabo na ang mga pangyayari na nagaganap at hindi ko rin matanggap mismo na ganito na talaga ang nangyayari. Datapwat, alam ko, sa laot ng aking puso..naroon parin ang pagmamahal; pagtibok ng puso ko sa kaisa-isang taong yaon. Subalit, sa isang relasyon pagitan ng babae at lalaki (or actually, kahit ano mang kasarian; basta relationship in general) hindi talaga maiiwasan ang pangyayari na mainip sa kung ano ang nabuo o nangyayari pagitan ng dalawang nag-iibigan.

Nakakapanghinayang ang pakiramdam na ito, hindi dahil sa kung iisipin na "matagal na ang relasyon" kundi, ang nabuo ng pagmamahal, tiwala at mga alaala pagitan ninyong dalawa. Paminsan, gusto ko nalang isipin na hindi ito totoo at paniguradong pansamantalang pakiramdam lamang ito. Siguro nga, pansamantala ito...ngunit, ilang linggo na nga ang nakaraan...masasabi pa bang pansamantala parin pag ganon? haaay, actually...naramdaman ko na rin ito dati (see post "everything's so blurry") ngunit hindi masisigurado kung tama nga ang ninanais na isipin ng puso at isipan ko.


*************************************************************
09/27/2012

WOW...DEEP. It's just today that I opened this post again...and what I've said up there ^ ...is totally different from what I am feeling now..which is awesome (y) ..that was supposed to be posted a month or two ago which I totally forgot about and decided not to anymore since a lot of things happened within that time period and changed my view since then. LOL. but then, I just wanna share this post....because it's been a LOOOOONG time since I wrote in proper (and possibly deep?) tagalog. (y) ....sabi nga nila..dapat mahalin ang sariling atin! ;)

No comments: